KALUSUGAN NG MGA ATLETA NA KABILANG SA R1AA, TINIYAK SA GITNA NG NAITATALANG MATAAS NA HEAT INDEX

Tiniyak ngayon ng Department of Education (DepEd) Regional Office 1 ang pagpapatupad ng ilang hakbang upang maprotektahan ang kalusugan ng mga atletang mag-aaral na kabilang sa 2025 Region 1 Athletic Association Meet bunsod ng nararanasang mainit na panahon.

Ayon kay DEPED R1 Assistant Regional Director, Rhoda T. Razon, tinitiyak na nila na sapat ang kanilang medical assistance sa lahat ng mga playing venue ng mga magtutunggaling manlalaro.

Aniya pa na hindi umano nila hahayaan na maglaro ang mga atletang mag-aaral sa mga oras kung saan kasagsagan ang mataas na heat index o mainit na panahon.

Patuloy rin ang pagbibigay paalala nila sa mga coaches at mga batang atleta na magdala ng maiinom na tubig at extrang kasuotan upang maiwasan ang dehydration. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments