KALUSUGAN NG MGA KATUTUBO, TINUTUTUKAN SA SAN EMILIO, ILOCOS SUR

Pinagtibay ng lokal na pamahalaan ng San Emilio ang pangangalaga sa kalusugan ng mga katutubo sa pamamagitan ng isinagawang Indigenous Peoples’ Day at Health Summit.

Katuwang ng bayan sa programa ang Department of Health (DOH) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Regional Office I.

Sa naturang aktibidad, naghatid ang mga health worker ng libreng serbisyo gaya ng chest X-ray, konsultasyong medikal at dental, at pamamahagi ng Oral Health Packages at Emergency Kits sa mga kasapi ng Indigenous Cultural Communities (ICCs).

Layunin ng programa na matiyak ang akses ng mga katutubo sa de-kalidad na serbisyong pangkalusugan, habang isinusulong ang kanilang kapakanan at paggalang sa kanilang kultura.

Facebook Comments