Kamag-anak at kakilala ni Joven Belleza sa Negros, hindi naniniwala na nanggahasa ang singer

256

Negros Occidental – Hindi naniniwala ang mga kamag-anak at kakilala ni Joven Belleza sa hometown nito sa Victorias City sa Negros Occidental na magagawa ng singer ang panggagahasa.

Ito ay kaugnay sa kasong rape na isinampa ng isang 19-year old na babae sa Cebu City kahapon.

Ayon sa tiyuhin ni Noven na isang barangay kagawad sa kanilang lugar sa Had. Salome, Brgy. 10 Victorias, isang mabait na bata ang kanyang pagkakakilala kay Noven kung saan mayroon itong nobya o ka live-in ngunit hindi nito masasabi kung nagpapatuloy pa ang kanilang relasyon.

Sinabi naman ng isa sa mga dating high school classmate na babae ni Noven na mabait na estudyante ang naturang singer, palaging nasa bahay at hindi mahilig sa babae.

May isa rin itong dating schoolmate na lalaki na nagsabi na hindi siya naniniwala na nanggahasa si Noven dahil mabait ang pagkakakilala niya dito.

Sa ngayon hinihintay pa ang pahayag ng pamilya ni Noven lalo na ng kanyang ama hinggil sa kinasasangkutang gulo ng kanyang anak.

Facebook Comments