Kamara, bukas sa mga nais tumestigo at magbigay ng dagdag pang ebidensya para sa impeachment case ni VP Sara

Binigyang-diin ni House Prosecutor at 1-RIDER Party-list Representative Rodge Gutierrez na sapat na ang mga ebidensya sa bawat articles of impeachment na kinakaharap ni Vice President Sara Duterte.

Gayunpaman, inihayag ni Gutierrez na nananatiling bukas ang kamara sa mga nais tumestigo at magbigay ng dagdag pang ebidensya para lalong mapalakas ang impeachment case laban sa bise presidente.

Binanggit ni Gutierrez na mayroon din silang mga legal na hakbang para makakuha ng mas marami pang mga ebidensya tulad ng paghiling sa impeachment court na ipa-subpoena ang mga testigo o dokumento na dapat humarap sa impeachment trial.


Ipinunto ni Gutierrez na hindi naman i-endorso ng 215 o higit pang mga kongresista ang impeachment complaint laban sa ikalawang pangulo kung hindi matibay ang mga ebidensyang nakapaloob dito.

Facebook Comments