Kamara, handang makipag-ugnayan at makipagtulungan sa Japan

Nananatiling buo ang suporta ng House of Representatives sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang Mababang Kapulungan ay nakahandang makipag-ugnayan at makipagtulungan sa Japan na mahalagang kaalyado sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya, depensa, at seguridad.

Mensahe ito ni Romualdez bilang pakikiisa sa mainit na pagtanggap sa pagbisita sa bansa ni Japanese Prime Minister Ishida Shigeru.

Kumpiyansa rin si Romualdez na ang bagong pirmahang kasunduan na PH-Japan Reciprocal Access Agreement ay tiyak magpapaigting sa relasyon ng dalawang bansa lalo na pagdating sa depensa, seguridad at strategic cooperation upang masiguro ang katatagan sa pagharap sa tumitinding mga hamon.

Facebook Comments