Kamara, hangad na maratipikahan ang MIF Bill bago ang sine die adjournment

Target ng Mababang Kapulungan na maratipikahan ang panukalang Maharlika Investment Fund o MIF sa session mamayang hapon bago ang sine die adjournment.

Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose ‘Mannix’ Dalipe, ito ay kung maaaprubahan na ngayong araw ang MIF Bill sa Bicameral Conference Committee.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang Bicam meeting para sa MIF Bill kung saan kabilang sa contingent ng Kamara sina Representatives Erwin Tieng, Stella Luz Quimbo, Joey Sarte Salceda, Ralph Recto, Felimon Espares, at Wilbert Lee.


Ang MIF ay kabilang sa prayoridad na panukala ng Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC at ng Marcos Jr., administration.

Facebook Comments