Kamara, inaalam kung may kongresista na stranded sa Israel

Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang House of Representatives sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, ito ay para alamin kung totoo ang impormasyon na may ilang kongresista na stranded o naipit sa Israel.

Binanggit ni Velasco na base sa kanilang record ay hindi natuloy ang biyahe sa Israel nina Batangas Rep. Lianda Bolilia at San Jose del Monte Bulacan Rep. Rida Robes.

Kinansela ni Bolilia ang kanyang byahe at nagbago naman ang isip ni Robes kaya hindi na ito humingi ng travel clearance.

Gayunpaman, hindi inaalis ni Velasco ang posibilidad na may ilang kongresista na isinama ang Israel sa kanilang itinerary patungong Europe o pabalik ng Pilipinas.

Facebook Comments