Kamara, irerekomenda na kasuhan din ang iba pang private individuals na sangkot sa nakalusot na drug shipment sa BOC

Manila, Philippines – Irerekomenda ng House Committee on Dangerous Drugs ang paghahain ng reklamo laban sa mga personalidad na dawit sa paglusot ng P6.4 billion halaga ng shabu mula China.

Ayon kay Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, chairman ng komite, patong-patong na reklamo ang posibleng kaharapin nina Richard Tan, Kenneth Dong, Manny Li, broker na si Mark Taguba at Irene Tattad at TJ Marciliana.

Bagaman nabigyan ng legislative immunity, hindi pa rin ligtas sa ibang reklamo si Taguba.


Aniya, ang legislative immunity na nakuha ni Taguba ay limitado sa testimonyang ibinigay niya.

Facebook Comments