Friday, April 10, 2026

Kamara, magpapatupad ng work-from-home scheme

Magpapatupad ng work-from-home arrangement ang House of Representatives bilang pagsunod sa utos ng Malacañang na magtipid ng gastusin sa harap ng tumataas na presyo ng langis at kuryente dulot ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Base sa memorandum na inilabas ni House Secretary General Cheloy Garafil, sa panahong naka-recess ang session, ang mga empleyado ay papasok sa Batasang Pambansa tuwing Martes at Miyerkules habang Work-from-Home naman sila tuwing Lunes at Huwebes.

Sa mga araw naman na may plenary session, on-site ang mga empleyado ng Kamara mula Lunes hanggang Miyerkules at work-from-home sila tuwing Huwebes.

Layunin ng hakbang ng Kamara na mapababa ang gastusin ng gobyerno, mapahusay ang operasyon, at mas maayos na magamit ang pampublikong pondo.

Batay sa memorandum, pananatilihin naman ang skeletal workforce ng ilang opisina kasabay ng implementasyon ng modified work arrangements.

Kabilang dito ang Engineering and Physical Facilities Department, Medical and Dental Service, Records Management Service af Legislative Security Bureau.

Facebook Comments