Kamara, magsasagawa ng relief operation para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses

56

Magsasagawa ng relief operation ang Mababang Kapulungan para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Ayon kay House Secretary General Jocelia Bighani Sipin, inatasan na ni Speaker Lord Allan Velasco ang Kamara na maglagay ng relief operation sa gymnasium sa Batasan Complex.


Batay rin sa instructions ng Speaker, pinakikilos na ang mga volunteers sa Kamara para maipamahagi na agad ang mga donasyon at relief goods sa mga biktima ng bagyo.

Nasimulan na rin ang pagpasok ng mga food at non-food donations para sa mga biktima ng kalamidad.

Nagpasalamat naman si Velasco sa mga donors at tiniyak na maipararating sa mga typhoon victims ang mga tulong.

Naniniwala naman si Velasco na muling patutunayan ng mga Pilipino na mas malakas tayo kumpara sa Bagyong Ulysses katulad din sa naging karanasan noong sinalanta ang Metro Manila ng Bagyong Ondoy noong 2009.




Facebook Comments