Kamara, mangangalap ng pondo para sa Marawi

Manila, Philippines – Magsasagawa ng fund raising ang Mababang Kapulungan para sa mga biktima ng Marawi crisis.

Ayon kay House Deputy Speaker Miro Quimbo, pangungunahan niya ang pangangalap ng pondo sa mga kasamahang mambabatas bilang pantulong sa mga biktima ng giyera at sa mga sundalong nasawi.

Umaasa din si Quimbo na magaapruba ang Kamara ng multiparty resolution para sa fund raising na gagawin.


Kinatigan din nila Parañaque City Rep. Gus Tambunting at Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang nasabing inisyatibo.

Sinabi ni Tambunting na hihingi din sila ng tulong maging sa kanilang mga kaibigan upang makakalap ng mas malaking pondo.

Nilinaw naman ni CIBAC PL Rep. Sherwin Tugna na ang pondong maiipon para sa Marawi ay manggagaling sa personal na pera ng mga mambabatas.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments