Kamara, nagdaos ng pagpupugay para sa mga kinatawan ng 19th Congress

Binigyang-pagkilala ng Kamara sa session nito ang mga kinatawan ng ika-19 na kongreso sa pamamagitan ng paglalatag ng kanilang mga naging accomplishments.

Sa aktibidad na tinawag na “Pagpupugay para sa mga Kinatawan ng 19th Congress” ay binigyan din ng certificate of recognition ang mga kongresistang nagtapos na ang termino at Kinilala din ang mga miyembro nitong pumanaw na.

Pinagkalooban naman ng medal of distinction ang mga chairmen ng mga standing at special committees.

Maging si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez naman ay nakatanggap din ng medalya, sash at token of appreciation, na mula sa secretariat.

Base sa record ng Office of the Secretary General, nasa 307 ang miyembrong House of Representatives kung saan 53 mga mambabatas ang ga-graduate o magtatapos na ang termino ngayong 19th Congress.

Facebook Comments