Kamara, nagpaabot na ng pakikiramay sa pagpanaw ni Antipolo Rep. Resurreccion Acop

85

Nagpaabot na ang liderato ng Kamara ng pakikiramay sa pamilyang naiwan ng kanilang kasamahan na yumao na si Antipolo City 2nd District Representative Dra. Resurreccion Acop.

Sa statement na inilabas ng Kamara sa pangunguna ni Speaker Lord Allan Velasco, sinabi dito na ipinagluluksa nila ang pagpanaw ng kanilang kasamang mambabatas.


Maaalala ng Kamara si Acop bilang mabuting kongresista gayundin sa kanyang passion at commitment sa pagseserbisyo publiko.

Nauna rito ay nagpaabot din ng kanilang pakikisimpatiya sa pamilya ang mga kongresista ng Makabayan bloc at ang Antipolo City government.

Si Acop ang kasalukuyang tumatayong vice chairman ng Health Committee sa Kamara.

Siya rin ang pumalit sa kanyang asawa na si former Rep. Romeo Acop sa Mababang Kapulungan.



Wala pang pahayag ang pamilya Acop sa naging dahilan ng pagpanaw ng mambabatas.


Facebook Comments