Kamara, nagpatibay ng resolusyon na nagsisertipika na sumusunod sa Konstitusyon ang impeachment case laban kay VP Duterte

Bilang tugon sa kautusan ng Senate Impeachment Court ay pinagtibay ng House of Representatives ang House Resolution 2346.

Nakapaloob dito ang pagsertipika na sumunod sa Article 11, Section 3, Paragraph 5 ng 1987 Constitution ang inihain nilang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte noong February 5, 2025.

Binanggit din sa resolusyon na umaayon din sa Saligang Batas ang mga sirkumstansya kaugnay ng paghahain sa naunang tatlong impeachment complaint laban kay VP Sara.

Binigyang-diin sa resolusyon na ang ginawang impeachment proceedings ng Kamara ay nakabase sa Rules of Procedure nito at sa mga kaukulang jurisprudence.

Iginiit pa sa resolusyon na legal ang pagpapa-impeach ng Kamara sa ikalawang pangulo dahil ang reklamo hinggil dito ay inendorso at beneripika ng higit pa sa 1/3 ng kabuuang bilang ng mga kongresista.

Facebook Comments