
Pinagtibay ng House of Representatives ang House Resolution 436 na nagpapahayag ng nagkakaisang pakikiramay, pag-aalala at suporta ng mga kongresista sa mga biktima ng Bagyong Tino at Bagyong Uwan.
Kabilang dito ang mga kababayan nating hinagupit ng bagyong tino sa Central luzon, Southern Luzon, Mindanao at Visayas at ang mga residente sa northern at eastern parts ng Pilipinas kabilang ang Cagayan, Isabela, Bicol, CALABARZON at Cordillera Administrative Region (CAR) na pawang tinamaan naman ng Bagyong Uwan.
Ang resolusyon ay ini-akda nina House Speaker Faustino Dy III, House Majority Leader Sandro Marcos, at House Minority Leader Marcelino Libanan.
Nakasaad din sa resolusyon ang lubos na pasasalamat ng Kamara sa lahat ng umaksyon at tumulong sa mga naapektuhang komunidad tulad ng mga lokal na pamahalaan, mga kaukulang ahensya ng gobyerno, civil society organizations at mga volunteers.
Binigyang-diin sa resolusyon ang pagsuporta ng Kamara sa patuloy na relief at recovery efforts para sa mga biktima ng kalamidad.









