Kamara, nangakong pananatilihin ang maayos na performance sa pagbabalik sesyon

60

Tiniyak ni PDP-Laban Head sa Kamara at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na pananatilihin nila ang maayos na performance sa Mababang Kapulungan.

 

Ito ay bunsod na rin ng mataas na approval at trust ratings ni Speaker Alan Peter Cayetano sa latest Pulse Asia Survey.


 

Ayon kay Velasco, isusustain nila ang magandang performance ng Kamara na tiyak namang tuluy-tuloy na magugustuhan ng publiko.

 

Kabilang sa mga nagustuhan aniya ng mamamayan ay ang pagapruba agad sa 2020 National Budget sa itinakdang deadline gayundin ang mga priority measures ni Pangulong Duterte partikular na sa mga panukalang makakapag-pagaan sa buhay ng mga Pilipino.

 

Naniniwala si Velasco na naging epektibo din ang pakikipag-communicate ni Cayetano sa taumbayan para maihatid ang mga accomplishments at tungkulin ng Kamara resulta ng mataas na ratings.

 

Samantala, sa ibang balita, sinimulan na ng House Committee on Transportation ngayong hapon ang pagdinig sa nangyaring sunog sa LRT2.

 

Humarap sa Kamara ang mga opisyal ng LRTA at Department of Transportation.

 

Hindi pa maibigay ng lubos ng LRTA ang impormasyon sa sunog sa power rectifier ng LRT2 dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Facebook Comments

From Advertisers