Kamara, patuloy na magsasagawa ng mga pagdinig kahit naka-recess ang session

Pumayag ang liderato ng Kamara na magpatuloy ang mga komite nito sa pagsasagawa ng pagdinig at mga pulong kahit naka-recess ang session.

Inihayag ito sa plenary session ni House Majority Leader at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos.

Ngayong araw ay nagsimula na ang recess ng session ng Kongreso hanggang sa November 9, 2025.

Bago mag-recess ang session ay natupad ng Kamara ang pagpasa sa mahigit ₱6.793 trillion na pambansang budget para sa susunod na taon.

Facebook Comments