Kamara, pinagko-comply muna sa hinihingi ng Senate Impeachment Court bago magreklamo

Mag-comply muna bago magreklamo.

Ito ang payo ni Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol sa naging pahayag ng tagapagsalita ng prosecution team na si Atty. Antonio Bucoy na hindi na kailangang magsumite ng Kamara ng resolusyon na itutuloy ng 20th Congress ang impeachment trial.

Ayon kay Tongol, nasa desisyon na ng Kamara kung susunod at magsusumite sila ng naturang resolusyon pero paalala niya, ito ay utos na ng korte na Senate Impeachment Court.

Kinwestyon din ng impeachment court ang kahandaan ng Kamara dahil sa halip na sagutin kung natanggap na ang “entry of appearance ad cautelam” ng defense lawyers ay sinasabi nilang walang epekto at walang mabigat na prejudice kung hindi ito matanggap ng Mababang Kapulungan.

Sinabi ni Tongol na kung totoong handa ang Kamara ay dapat mayroong opisinang tumanggap sa entry of appearance ng depensa.

Maliban pa rito ay wala pa ring naisusumite ang Kamara na resolusyon na sumunod sa tamang proseso ng paghahain ng impeachment case ang Mababang Kapulungan.

Facebook Comments