Kamara, tiniyak ang pagsunod sa Pangulo sa kabila nang na-i-veto na pondo sa 2019 budget

53

Manila, Philippines – Tulad sa unang ipinangako ng liderato ng Kamara, inirerespeto nila ang desisyon ni Pangulong Duterte na i-veto ang nasa P95.3 Billion unprogrammed items na nakapaloob sa 2019 budget.

Ayon kay House Majority Leader Fredenil Castro, welcome para sa Kamara ang hakbang ng Pangulo at tiniyak ang pagtalima sa anumang desisyon ng Presidente.


Nauunawaan at iginagalang din nila ang ginawang pagbusisi ng economic teams bago pinirmahan ni Duterte ang pambansang pondo.

Sa ngayon aniya ay maaari nang umusad ang lahat gayundin ay simulan muli ang trabaho at ang pagpapatupad sa mga priority projects ng administrasyon.

Siniguro din ni Castro na tuluy-tuloy pa rin ang kooperasyon at pakikiisa ng Mababang Kapulungan sa mga isinusulong ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments

From Advertisers