Kamatayan ng dalawang bata sa Sultan Mastura nadamay lamang sa RIDO ayon sa PNP

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Sultan Mastura Municipal Police Station kaugnay ng pagsabog sa barangay Macabiso, Sultan Mastura, Maguindanao na ikinasawi ng dalawang bata.
Sa panayam ng DXMY kay Sultan Mastura-PNP Chief Police Maj. Mamaco, may resulta na sa isinagawang post-blast investigation kung saan lumalabas na isang 40mm projectile ang sumabog.
May person of interest na rin ang kapulisan subalit hindi pa nila ito mapangalanan dahil nagpapatuloy pa rin naman ang kanilang imbestigasyon. Sinabi pa ni Maj. Mamaco na, rido o away pamilya ang tinitingnan nilang anggulo sa naturang insidente.
Sinasabing halos isang taon na rin ang naging hidwaan ng dalawang pamilya. Kaliwat kanang mga inisyatiba na rin anila ang ginagawa ng PNP katuwang ang LGU para matuldukan na ang sigalot ng dalawang pamilya.
Nanawagan naman ng hustisya ang mga pamilyang nadamay sa insidente lalo na ang mga namatayan ng ng dalawang bata.
Matatandaang sabado ng hapon ng masabugan ang isang singko anyos at 7 anyos na bata.
SM PIC

Facebook Comments