KAMAY NA BAKAL | BUCOR CHIEF RONALD DELA ROSA, DUMALO SA FLAG RAISING SA BILIBID

321

Muntinlupa city – Inilatag ni Bureau of Corrections (BUCOR) Chief Ronald “Bato” Dela Rosa ang ilang mga polisiyang nais niyang gawin ngayong siya na ang mamumuno sa national penitentiary

Ayon kay Dela Rosa nais nyang tutukan ang paglilinis sa Bilibid laban sa korapsyon at ilegal na droga

Sinabi pa nito na hindi na uso ngayon ang duwag na empleyado ng BUCOR sabay giit na hindi dapat sila matakot sa mga drug lords sa bilibid dahil madali lang silang patayin dahil nakakulong na ang mga ito

Nais din niyang makita nang personal ang mga big time drug lords sa bilibid para alamin kung totoo ngang matapang ang mga ito

Kung matatandaan kilala ang bilibid sa kalakan ng ilegal na droga

Ngayong araw, May 7 pormal nang umupo si Dela Rosa bilang BUCOR Chief matapos niyang manilbihan bilang pinuno ng pambansang pulisya.

Facebook Comments