KAMPANYA KONTRA BULLYING SA MGA PAMPUBLIKONG PAARALAN SA SAN NICOLAS, TUTUTUKAN

Nanindigan ang pamunuan ng Public Schools District Office sa San Nicolas na tututukan ang kampanya kontra bullying sa pagsisimula ng school year 2025-2026.

Ipatutupad ang installation ng CCTV sa bisinidad ng mga paaralan upang mabantayan ang seguridad ng mga mag-aaral kabilang pa ang pagsasanay ng mga guro ukol sa Child Protection Policy upang matutunang tumugon sa anumang insidente ng bullying.

Layunin nitong matugunan ang guidelines mula sa Department of Education na tumatalakay sa mga hakbang upang maiwasan ang karahasan sa mga paaralan.

Kinatigan naman ng mga magulang ang naturang hakbang upang maging mapanatag sa kapakanan ng kanilang anak sa loob ng mga paaralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments