KAMPANYA KONTRA DENGUE, PATULOY NA ISINUSULONG NG DOH ILOCOS REGION

Patuloy na isinusulong ng Department of Health Ilocos Region ang kampanya kontra dengue kung saan kamakailan ay inilunsad ang ‘Alas Kwatro Kontra Mosquito’ bilang hakbang sa tukuyan pagpuksa sa naturang sakit.

Iginiit ni DOH – Ilocos Center for Health Development Medical Officer IV, Dr. Rheuel Bobis ang tamang paghahanda upang maprotektahan ang sarili pati na rin ang pamilya sa banta ng dengue.

Pinaka Makatutulong umano ang pagsira sa mga pinamumugaran ng mga lamok na maaaring nagdadala ng dengue.

Dapat rin umanong tandaan ang apat na T o Taob, Taktak, Tuyo at Takip bilang isang pamamaraan upang walang stagnant water at mga timbang pwedeng maging breeding site ng mga lamok. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments