KAMPANYA KONTRA DROGA | Higit 200 drug personalities, napatay sa loob ng apat na buwan

28

Manila, Philippines – Umaabot sa 207 drug personalities ang napaslang sa mahigit apat na buwan ng giyera kontra droga ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang sinabi ni outgoing PNP Chief Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa kaniyang accomplishment hinggil sa anti-drug campaign.

Ayon kay Dela Rosa nasa 19,086 ang mga drug pushers at users ang nasakote sa 12,032 magkakahiwalay na anti-drug operations sa bansa.

Aniya, naitala ito hanggang Abril 13 ng taong ito.

Facebook Comments