Kampanya kontra droga mas pinalakas sa Buldon, Maguindanao

Mas pinalakas pa ng mga otoridad sa bayan ng Buldon ang kanilang kampanya kontra ipinagbabawal na gamot.

Layun nito ay upang tuluyang matuldukan na ang problemang inihahatid ng droga

Nanguna mismo sa pag papaintindi sa kumunidad at mga paaralan ang hepe ng Buldon na si Chief Inspector Sandro Ampad.


Maliban sa ginagawang house to house campaign against illegal drugs, namamahagi pa ng Educational Materials ang PNP Buldon.
Nagpapatuloy rin ang kanilang ginagawang TapHang o ang Tapok Hangyo.

Ang inisyatiba ng Buldon PNP ay bunsod na rin sa naunang direktiba ni Buldon Mayor Abolais Manalao na suportahan ang kampanya ni Presidente Rody Duterte na labanan ang kriminalidad, illegal drugs at terrorism sa buong bayan.

Sa ngayon dalawang baranggay pa lamang sa Buldon ang naideklarang Drug Cleared ng PDEA ARMM.(DENNIS ARCON)



Facebook Comments