KAMPANYA KONTRA DROGA | QCPD Station-7, makikipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay at presidente ng mga toda para isailalim sa drug test ang mga driver

22

Manila, Philippines – Makikipag-ugnayan ngayon ang Quezon City Police District (QCPD) Station-7 sa mga opisyal ng barangay at mga presidente ng toda.

Ito ay upang hikayatin sila na isasailalim ang mga tricycle driver sa kanilang lugar na sumailaim sa drug test.

Nababahala na kasi ang pulisya sa sunod-sunod na pagkakasangkot ng mga adik na tricycle driver sa Quezon City.

Kamakailan ay muli na naman silang nakahuli ng drug user at drug pusher na tricycle driver sa bahagi ng Cubao.

Ayon kay Police Superintendent Benjie Tremor, hepe ng Cubao Police Station, delikado para sa mga pasahero na sumakay sa mga adik na tricycle driver kung saan maari silang maaksidente dito o kaya naman ay maging biktima ng krimen.

Facebook Comments