KAMPANYA KONTRA KOLORUM | I-ACT, nagsagawa ng anti-colorum campaign, kagabi

22

Manila, Philippines – Nagsasagawa kagabi ng operasyon ang I-ACT laban sa mga kolorum at iba pang paglabag ng mga pampublikong sasakyan.

Sa nasabing operasoyn, isang bus na pinaniniwalaang kolorum ang nahuli ng I-ACT sa tramo area ng Pasay kung saan pinababa ang mga pasahero nito at ibinalik ang bayad sa pamasahe.

Binantayan din ng I-ACT ang area ng Pasong Tamo sa Makati kung saan meron din silang nahuling bus, UV express at mga pampasaherong jeep.

Nabatid na isang milyon piso ang ipinataw na multa sa bus, P200,000 naman sa UV express at P50,000 para sa jeep kapag sila ay napatunayang kolorum.

Facebook Comments