Kampanya kontra korapsyon, mas palalakasin pa – PRRD

113

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpapatuloy ang kampanya kontra korapsyon ng gobyerno.

Sa campaign rally ng PDP-Laban sa Negros Occidental, sinabi ng Pangulo na sisibakin niya ang mga tiwaling public servants at sasampahan niya ng kaso ang mga ito.

Dagdag pa ng Pangulo – marami na siyang sinibak na cabinet members, kabilang na ang mga matagal ng kaalyado dahil sa pagkakadawit sa abuse at corruption.

Ang tanging nais lamang ni Duterte sa mga ito ay maging tapat sa kanilang tungkulin, subalit may ilan ang natutukso.

Nanindigan din ang Pangulo na hindi uusad ang bansa kung hindi mahihinto ang korapsyon at hindi mapanatili ang peace and order.

Facebook Comments