
Kinalampag ni Senator Joel Villanueva ang Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Division na paigtingin ang kampanya laban sa love scam.
Isang buwan pa lamang kasi ay nakapagtala na ng walong kaso ng love scam sa bansa ngayong taon.
Nanawagan si Villanueva sa PNP na palakasin ang mga pagsisikap laban sa mga love scammers at tutukan ang pagtuturo sa publiko kung papaano matutukoy ang isang love scam.
Sinabi ng mambabatas na susi ang edukasyon para mapag-ingat ang publiko sa naglipanang scams.
Pinagdodoble sikap ng senador ang PNP na matulungan ang mamamayan na tukuyin at makaiwas sa lahat ng uri ng scams.
Facebook Comments