Kampanya kontra NPA mas pinalakas sa Central Mindanao , 3 arestado!

Dalawang elemento ng New Peoples Army ang naaresto sa ginawang operasyon ng 33rd Infantry Batallion sa bahagi ng Brgy . Elian , Esperanza Sultan Kudarat noong weekend.

Nakumpiska rin sa mga ito ang mga matataas na kalibre ng baril ayon pa sa impormasyong ipinarating ni 6th CMO Chief Army Col. Gerry Besana sa panayam ngayong umaga ng RMN COTABATO.

Maliban sa mga naaresto malaki ang posibildad na ilan sa mga ito ang napaslang ayon pa kay Col. Besana.


Nagmumula sa hanay ng Front 73 ang mga nakasagupa ng military. Habang isang sundalo naman ang naging sugatan sa nangyaring engkwentro.

Samantala arestado rin ng mga otoridad sa Kidapawan City ang isa pang NPA.

Nakilala ang nahuli na si Vicente Cañedo alyas Kumander Jasmin ng Guerilla Front Committee 53.

Nahaharap sa kasong rebelyon si Kumander Jasmin.(DENNIS ARCON)

Facebook Comments