KAMPANYA KONTRO DROGA | Lifetime imprisonment sa isang drug suspect, ikinatuwa ng PDEA ARMM

Cotabato City – Labis namang ikinatuwa ni PDEA ARMM Regional Director Juvenal Azurin ang kauna-unahang conviction na ipinataw ng isang korte laban sa isang indibidual na sangkot sa illegal na droga bukod pa sa pagbabayad nito ng kalahating milyong piso.

Maalaalang nahatulan ng guilty o katumbas ang habangbuhay na pagkakabilanggo sa naarestong si Erwin Jhon Tamala Teves alias Daday matapos mapatunayang lumabag sa RA 9165 sa ilalim ni Judge Annabele Piang ng RTC branch 15 dito sa Cotabato City.

Nahuli si alyas Daday noong November 15, 2017 sa ND Village Barangay RH 8 at nakunan ng 4.9 gramo ng shabu.


Facebook Comments