Patuloy na isinusulong ng Department of Trade and Industry Pangasinan ang kanilang kampanya sa Karapatan ng mga konsyumer at responsibilidad ng mga nagnenegosyo.
Nito lamang ay muling nagsagawa inspection ang tanggapan sa mga bagong Service and Repair Enterprises (SREs) sa lalawigan bilang bahagi ng proseso ng Service and Repair Shop Accreditation.
Nagsagawa rin ng monitoring ang tanggapan sa iba’t-ibang hardware at grocery stores upang makita kung sumusunod din ba ang mga ito sa fair trade laws.
Samantala, patuloy ang information dissemination campaign ng ahensya sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga posters sa mga palengke at iba pang lugar sa probinsya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments