KAMPEONATO | Batangas Athletics, wagi kontra Muntinlupa Cagers sa MPBL Anta Rajah Cup; 68-66

Manila, Philippines – Nasungkit ng Batangas Athletics ang kampeonato sa unang season ng MPBL Anta Rajah Cup.

Tinalo ng Batangas ang Muntinlupa Cagers sa score na 68-66 kung saan nanguna dito ang kababayan at dating college teammate ni PBA MVP June Mar Fajardo na si Moncrief Rogado na may 14-points.

Naging dikitan ang laban ng dalawang team hanggang sa huling segundo ng laro pero hindi kinaya ng Cagers ang Batangas na manalo at ipinahiya ito sa mismong homecour nila sa Muntinlupa Sports Center.


Facebook Comments