Kampo ng Marawi City Vice Mayor, dumistansya sa pagkakasama niya sa narco-list

204

Tumanggi munang magkomento ang kampo ni Marawi City Vice Mayor Arafat Salic  sa pagkakabilang ng bise alkalde sa narcolist ng Pangulong Duterte.

 

Ayon kay Atty. Mohamad Nabil Mutia, abogado ni Salic wala pa naman kasing pormal na reklamo laban sa opisyal at wala ring basehan ang pagkakasama nito sa listahan ng Pangulo.

 

Tanging sa media lamang aniya nila nalaman ang pagkakasangkot ni Salic sa illegal drug trade.

 

Sinabi ni Atty. Mutia na tututukan muna nila ang Rebellion case ng kanyang kliyente na nakasampa ngayon sa DOJ.

 

Si Vice Mayor Salic ay isinasangkot din sa nangyaring Marawi Siege ng Maute-ISIS Group.

Facebook Comments