Kampo Ng Pnp, Bubuksan Para Sa Mga Masasamang Tao Ngayong Kapaskuhan-Pangulong Duterte, Hinikayat Naman Ang Militar Na M

9

MANILA – Handang buksan si Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa ang pintuan ng camp crame sa mga rebelde para makasalo sa pasko.Pagtitiyak ni Bato – hindi niya ipapaaresto ang mga masasamang tao na nais maki-pasko sa crame, basta’t huwag lang gagawa ng anumang iligal ang mga ito sa loob ng kampo.Umaasa si Dela Rosa na magbabago ang mga ito kapag nakasama ng pnp sa salo-salo sa pasko.Una nang hinikayat kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga militar na pagbuksan sa kanilang mga kampo ang mga NPA para makikain ngayong kapaskuhan.Kasunod na rin ito ng deklarasyon ng unilateral ceasefire sa pagitan ng CPP-NPA-NDF.Sinabi ni Pangulong Duterte, maghanda lamang ng bihong may sahog na sardinas ay ikakatuwa na ng mga rebelde.

Facebook Comments