Kampo ni BBM, no comment muna sa desisyon ng PET

31

Hindi muna magkokomento ang kampo ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naging desisyon ng Supreme Court na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) na ibasura ang kanilang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, ang tagapagsalita ni Marcos, ang mga impormasyon na kanilang natanggap ay mula pa lamang sa media.


Wala pa aniya silang natatanggap na official notice o information mula sa PET.

Maglalabas sila ng official statement kapag natanggap na nila ang official document o pronouncement mula sa kataas-taasang hukuman.

Facebook Comments