Kampo ni Bongbong Marcos, ikinatuwa ang utos ng PET sa retrieval ng ballot boxes

Manila, Philippines – Itinuturing ni Atty. Victor Rodriguez, tagapagsalita ni Bongbong Marcos, na isang welcome development ang PET Resolution.

Ayon kay Rodriguez, matagal na nilang inaantay ang pasya ng PET dahil susi ito sa pang-unang hakbang para mapasimulan ang proseso ng revision of votes na pinababagal ng kabilang kampo dahil sa kanilang mga mosyon.

Pinatutunayan aniya ng desisyon na tama sila na ang tanging paraan para malaman kung may dayaan sa eleksyon ng Bise Presidente noong May 2016 ay sa pamamagitan nang pagbalik suri sa mga balota.


Idinagdag niya na tagumpay ito para sa paghanap ng taumbayan ng katotohanan.

Facebook Comments