Kampo ni Catriona Gray, nagsalita na sa viral photo ni Cat at ni Sam Milby

984

Makaraang lumutang ang iba’t ibang espekulasyon, nagsalita na ang kampo ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kumakalat ngayong larawan ng beauty queen na kasama ang aktor na si Sam Milby sa isang gathering.

Sa larawan, makikita si Milby na nakasuot ng grey shirt at black cap habang naka red sweater naman si Catriona at nakatakip ang mukha gamit ang face mask.

Sa isang panayam, sinabi ni Cornerstone Entertainment founder Erickson Raymundo, na siya ay long-time talent manager ni Sam Milby habang siya rin ay tumatayong local business manager ni Cat.

Ayon kay Raymundo, kuha ang larawan noong umuwi dito sa Pilipinas si Gray, matapos niyang masungkit ang korona ng Miss Universe.

Inimbitahan niya ito sa kanilang farm sa Tanay, kung saan inimbitahan rin niya si Milby at iba pa niyang mga kaibigan.

Facebook Comments