Kampo ni dating Pangulong Duterte, wala pang napipiling third country para sa posibleng interim release ni FPRRD

Blangko pa ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng third country para sa posibleng interim release ng dating Pangulong Duterte.

Ayon kay Vice President Sara Duterte, wala pa silang nakakausap na bansa na maaaring pansamantalang lipatan ng dating pangulo sakaling pansamantala itong makalaya.

Kaugnay nito, iginiit ni VP Sara na sa edad na 80 ni dating Pangulong Duterte ay dapat itong mapalaya na para matutukan ng mga doktor ang kanyang kalusugan.

Una nang napaulat na nag-aalok ang International Criminal Court ng third country para sa interim release ng dating pangulo pero pinabulaanan ito ni VP Sara.

Facebook Comments