Kampo ni dating PNoy, itinangging sasailalim sa heart operation ang dating pangulo

736

Manila, Philippines – Pinabulaanan ng kampo ni dating Pangulong Noynoy Aquino na sasailalim sa heart procedure ang dating presidente.

Ayon kay Atty. Abigail Valte, Spokesperson ni PNoy, sumasailalim lamang ang ex-president sa scheduled check up at routine procedure.


Nilinaw naman ni Valte na habang nagpapa-check up si PNoy ay nakausap niya ito at ipinaabot ang kumalat sa media hinggil sa sinasabing pagsasailalim nito sa heart procedure dahil sa paninikip daw ng dibdib nitong weekend.

Sinabi pa ni Valte na nagbiro pa si Aquino at sinabi raw nito na kaya napabalita ang pagsasailalim niya sa heart procedure ay dahil sa heartbroken siya.

Nilinaw pa ni Valte na nasa maayos ang kalagayan si PNoy at nagpapasalamat ito sa mga nag-alala sa kanyang kalagayan.

Facebook Comments