Kampo ni Horn – bumanat sa umano’y pangmamaliit ng team Pacquiao

116

Bumanat ang kampo ng Australian boxer na si Jeff Horn dahil sa umano’y pagmamaliit ng Pacquiao team sa kakayahan nitong matalo ang Pinoy boxer.

Una rito, sinabi ng Australian strength at conditioning coach ni Pacman na si Justine Fortune na malabong manalo si Horn dahil kulang ito sa training.

Dapat aniya ay walong linggo ang inilaan nito sa pag-eensayo sa Amerika laban sa magagaling na sparring partners.


Pero giit ni Coach Dundee Kim – may inihanda rin siyang espesyal na diet kay Horn para sa nalalapit na bakbakan sa Hulyo a –dos.

Sabi naman ni Coach Freddie Roach, hindi totoong minamaliit nila si Horn sa pamamagitan ng paghihinay-hinay sa ensayo.

Facebook Comments