Kampo ni Janet Lim Napoles, nangangamba pa rin sa seguridad ng pork barrel queen kahit na nailipat na ito ng kulungan

33

Manila, Philippines – Nangangamba pa rin ang kampo ni Janet Lim Napoles para sa seguridad ng pork barrel queen kahit na inilipat na siya ng kulungan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon sa abugado ni Napoles na si Atty. Stephen David, hindi pa rin sila nakakatiyak na ligtas doon ang pork barrel queen kaya’t sa National Bureau of Investigation sana nila ito gustong makulong.

Sa katunayan aniya ay ilang beses pinagbantaan ang buhay ni Napoles noong nandoon pa siya sa Correctional Institution for Women o CIW.

Sinabi naman ng isa sa mga opisyal ng CIW na ayaw magpabanggit ng pangalan, isa sa mga nangyari sa pork barrel queen noong doon pa ito nakakulong ay nang ransakin ang kaniyang mga gamit.

Samantala, nagbabala naman si Greco Belgica na isa sa mga nagpetisyon sa Korte Suprema laban sa PDAF at Disbursement Acceleration Program o DAP na dapat matiyak ang kaligtasan ni Napoles.

Una nang hinayag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na maaaring maging state witness si Napoles sa mga bagong pork barrel case nang hindi maaapektuhan ang mga kasong kinahaharap nito.

DZXL558

Facebook Comments