Quiboloy, humirit sa korte na muling payagan mag-record ng video para sa campaign rally

Humihirit din sa Pasig Regional Trial Court o RTC ang kampo ni Pastor Apollo Quiboloy na payagan itong magpatuloy sa pag-record ng kanyang mga mensahe sa campaign rally.

Kaugnay ito ng pagtakbo ni Quiboloy sa pagkasenador habang siya ay nakakulong sa kasong qualified human trafficking.

Ayon sa abogado ni Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon, posibleng maglabas ng desisyon dito ang Pasig RTC Branch 159 bago mag-Sabado.

Facebook Comments