Kampo ni Patricia Bautista, marami pang ibubunyag tungkol sa tagong-yaman ni COMELEC chairman

106

Manila, Philippines – Nagbanta ang kampo ni Patricia Bautista na may ilalabas pa silang mga dokumento laban kay COMELEC Chair Andy Bautista kaugnay sa umano’y mga tagong yaman niya.

Ayon sa abogado niyang si Martin Loon, hindi pa kumpleto sa affidavit ni Patricia ang listahan ng mga natagpuan niyang dokumento sa kanilang bahay.

Ilalantad umano nila ito sa isang congressional hearing o sa kahit anong government forum.

Una nang sinampahan ng kasong extortion, robbery at grave coercion ni Bautista ang misis nito.

Samantala, nakatakda namang maghain ng impeachment complaint si dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras laban kay COMELEC chair sa susunod na linggo.

Nakipag-usap na raw siya sa isang mambabatas na mag-eendroso ng reklamo base na rin sa mga alegasyon ni Patricia.

Facebook Comments