Kampo ni Vice President Leni Robredo, nanawagan kay PCO Asst. Sec. Mocha Uson na maging responsible sa pamamahayag

57

Manila, Philippines – Nanawagan ang kampo ni Vice President Leni Robredo kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Asst. Sec. Mocha uson na maging responsible sa pagbibigay ng pahayag.

Ayon kay Georgina Hernandez, tagapagsalita ng Bise Presidente – umaasa sila na magiging responsable na si Uson sa pagpapalabas ng mga impormasyon at pagbibigay ng komento hinggil sa nangyayari sa bansa lalo pa’t isa na itong mataas na opisyal ng pamahalaan.

Kinakailangan din aniya na batay sa mga totoo at lehitimong impormasyon ang ipapalabas nito sa publiko.

Samantala, iginiit naman ni Hernandez na nakahandang makipagtulungan ang kanilang kampo kay Uson para sa ikauunlad ng bansa.
DZXL558

Facebook Comments