Kampo ni VP Robredo, naghain ng mosyon sa DOJ kaugnay sa kasong sedition

160

Manila, Philippines – Naghain ng mosyon sa Department of Justice (DOJ) ng kampo ni Vice President Leni Robredo.

Partikular ang “motion for production of evidence”, kaugnay sa reklamong sedition na isinampa ng PNP-CIDG laban kay Robredo kaugnay ng pagkakadawit niya “Ang Totoong Narco-list” videos ni alyas Bikoy o Peter Joemel Advincula.


Hindi dumating si Robredo, pero ang kanyang abogado na si Atty. Marlon Manuel ang naghain ng mosyon, kasama si Atty. Barry Gutierrez.

Batay sa naturang mosyon, hiniling ni Robredo na ilabas ang mga dokumento at ebidensya kaugnay sa sedition charges ng PNP-CIDG.

Nauna nang sinabi ng PNP-CIDG na sangkot si Robredo, ilang mga taga-oposisyon at mga opisyal ng simbahan sa planong pagpapabagsak kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukas, magsisimula ang preliminary investigation ng DOJ sa reklamong sedition laban sa grupo ni Robredo.

Facebook Comments

From Advertisers