Kampo nina Pulong Duterte at Atty. Manese Carpio, hindi magpapaareglo kay Sen. Trillanes

6006

Naghain ng apat na bilang counts ng libel si dating Davao City Vice Mayor Paolo “pulong” Duterte at kanyang bayaw na si Atty. Manases Carpio laban kay Sen. Antonio Trillanes IV.

 

Nag-ugat ang reklamo nang akusahan ni Trillanes ang dalawa na sangkot sa illegal drug trade at pangingikil sa ilang ride-sharing companies.

 

Nauna nang sinabi ng kampo nina Pulong at Carpio na pursigido silang iakyat sa korte ang kaso at hindi sila makikipag-areglo sa senador.

 

Ayon kay Atty. Ranier Madrid, abogado nina Duterte at Carpio na walang kasunduang nabuo sa pakikipagpulong ng kanilang kampo sa mga kinatawan ng senador noong March 22.

 

Nauna dito ay ipinag-utos ni Davao City Regional Trial Court Branch 54 Presiding Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang ang mediation meeting sa magkabilang panig.

Facebook Comments