Kandidato sa pagka-konsehal sa Aborlan, Palawan, patay sa pamamaril

79

Palawan – Nasawi ang isang kandidato sa pagka konsehal matapos na pagbabarilin sa Brgy. Magsaysay Aborlan, Palawan kahapon.

Kinilala itong si Ruben Bediores Goh, 51 anyos , may asawa kandidato bilang konsehal sa munisipyo ng Aborlan at residente ng Brgy. Poblacion, Aborlan, Palawan.


Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Police Supt. Socrates Faltado, alas 5:09 ng hapon kahapon sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima mula sa Sitio Marimras, Brgy. Magsaysay, Aborlan, Palawan at pauwi na sa kanilang bahay.

Pero pagsapit nito sa may intersection ilang metro ang layo mula sa kanyang bahay ay bigla itong pinagbabaril ng dalawang suspek.

Nagtamo ito ng tama ng bala ng baril sa ibat ibang parte ng kanyang katawan na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Agad naman nagsagawa ng checkpoint operation ang mga tauhan ng Aborlan Municipal Police Station para maaresto ang mga salarin sa krimen.

Facebook Comments

From Advertisers