Kandidatura sa pagka-alklade sa Davao City, iniatras na ni Mayor Sara Duterte

Iniatras na ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kaniyang kandidatura para sa muling pagtakbong alkalde sa lungsod sa darating na 2022 elections.

Sa Facebook post ni Mayor Sara, sinabi nito na ang kapatid niyang si incumbent Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte na lamang ang tatakbong alkalde sa darating na halalan.

Una nang binawi ni Baste ang kaniyang kandidatura para sa muli sanang pagtakbo bilang bise alkalde ng Davao City.


Sa kaniyang pag-atras, si Atty. Melchor Quitain ang tatakbong kapalit niya bilang vice mayor.

Matatandaang bago ito, may mga grupo at personalidad nang humikayat kay Mayor Sara na tumakbong pangulo sa 2022 elections pero ilang beses niya itong tinanggihan.

Sa ilalim ng elections rules, maaari pang palitan ang mga politiko o mag-substitute sa isang kandidato para sa kaparehong partido hanggang sa Nobyembre 15, 2021.

Facebook Comments