KANSELADO | Schedule ng Pangulo ngayong araw, kinansela na

34

Kinansela na ang aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Batay sa impormasyong nakarating sa Malacañang Press Corps, pinangunahan na ni Pangulong Duterte ang Joint AFP – PNP Command Conference kagabi sa tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management council o NDRRMC na sanay naka schedule ngayong hapon dito sa Malacañang.

Sinabi ng Presidential Communications Operations Office o PCOO ay sa Lunes pa inaasahan ang susunod na aktibidad ng Pangulo na posibleng gawin sa Davao City at inaasahan na nasa Metro Manila lang ang Pangulo hanggang sa araw ng Linggo.

Ito naman ay para i-monitor ng Pangulo ang mga ginagawang aksyon ng lahat ng ahensiya ng Pamahalaan para tulungan ang mga masasalanta ng bagyong Ompong.

Facebook Comments